Iniulat ng Philippine Coast Guard na isang turista mula sa Middle East ang nasa malubhang kondisyon matapos niyang bumagsak sa dagat habang nagpa-parasailing sa Boracay.
Batay sa ulat, sinabing nangyari ang insidente noong Disyembre 29 at lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine Coast Guard na biglang lumakas ang hangin kaya humampas at bumagsak sa dagat ang turista na hindi muna pinangalanan.
Agad inilipad ang biktima sa Metro Manila para magamot.