Inihayag ng pamahalaan ng America na nagbigay ang North Korea ng mga ballistic missiles at launchers sa Russia para gamitin laban sa Ukraine.
Ayon kay US national security spokesperson John Kirby, ipaparating nila ang impormasyon sa United Nations Security Council.
Tinawag pa ni Kirby na ang hakbang na ito ng North Korea bilang pagdagdag ng tensiyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sa ngayon ay wala pang naibigay ang Iran ng mga close-range ballistic missiles sa Russia subalit naniniwala ito na may balak ang Russia na bumili ng mga missile systems sa Iran.
Samantala nagsagawa ng palitan ng mga prisoners of war ang Ukraine at Russia.
Ayon sa Ukraine na mayroong 230 na mga prisoners kabilang ang mga sundalo nila at border guard ang pinalaya ng Russia.
Kapalit nito ay kanilang pinalaya ang 248 na Russians na kanilang naaresto.
Ang prisoners swap na pinamunuan ng United Arab Emirates ay itinuturing na pinakamalaking prisoners swap mula ng maganap ang paglusob ng Russia sa Ukraine noong Pebrero 2022.
Nagpasalamat si Ukrainian President Volodymyr Zelensky matapos na ligtas na nakauwi ang mahigit na 200 Ukrainians habang ayon sa Russian Ministry of Defense na naging mahirap ang nangyaring prisoners swap.