May mensahe ang aktor na si Enrique Gil para sa aktres na si Liza Soberano nitong Huwebes kung saan ipinagdiwang ng dalaga ang kanyang 26th birthday.
Ginulat ng aktor ang kanyang mga tagahanga nang mag-post ito ng mensahe para sa kaarawan ng ex-girlfriend at ayon sa binata, mananatili siyang kakampi ng dalaga kahit ano pa ang mangyari.
“Happy Birthday our dear hopie!!! I’ll always have your back no matter what. Wish i was there to celebrate your special day [white heart emoji],” saad ni Enrique.
Marami naman ang naging masaya lalo na ang kanilang mga tagasuporta lalo na’t nitong nakaraang taon lang nang kumalat ang balitang totoong hiwalay na sila.
Noon pa man ay napapabalita nang nagtapos na ang mahigit limang taong relasyon nina Enrique at Liza dahil naging long distance na ang kanilang relasyon matapos magdesisyon ang dalaga na i-pursue ang career nito sa Hollywood.
Sa kabila ng hindi matapos-tapos na chika ay walang naging pag-amin ang dalawa ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Pinabulaanan pa nga ito ni Enrique noong April 2023 nang tanungin siya ukol sa break up nila ni Liza.
“We’re good, we’re good.
“She’s just really busy with her stuff there. I am going to be visiting her maybe when my schedule clears up. I think she’s coming back here. But yeah, we’re good,” saad ni Enrique.