Isinapubliko nitong Miyerkules ng isang hukom sa New York ang laman ng listahan ni Jeffrey Epstein, ang hinihilang bigtime na Amerikanong bugaw at manghahalay na nagpatiwakal habang hinihintay ang paglilitis sa kanyang kasong sekswual na pang-aabuso.
Kabilang sa mga kasama sa mahigit 150 pangalang nakasaad sa isinapublikong 45 dokumentong pangkorte sina dating pangulong Bill Clinton at Donald Trump, ang yumaong Michael Jackson, mahikerong si David Copperfield, at Prinsipe Andrew ng Britanya.
Hindi naman tinukoy kung ano ang kinalaman ng mga naturang personalidad sa kaso ni Epstein.
Ang pagsisiwalat ay bahagi ng paglilitis kay Ghislaine Maxwell na inireklamo ni Virginia Giuffre na umanoy isa sa mga biktima ni Esptein.
Si Maxwell ay dating partmer ni Epstein at kalauna’y naging kasabwat umano ng huli sa sex trafficking sa loob ng halos tatlong dekada.
Batay sa ulat, maraming bata ang nakaranas ng pagsasamantala at sekswal na pang-aabuso kay Epstein sa loob nang mahigit isang dekada.
Sa ngayon, nasintensyahan si Maxwell ng 20 taon pagkakabilanggo dahil sa sex trafficking at pagtulong kay Epstein na abusuhin ang mga menor de edad na babae.