Ang mga bakla, bakla na naging babae na, totoong mga babae, mga babaeng may pag-uugaling parang sa bakla, at mga lalaki na nakikipagtaliki sa kapwa nila mga lalaki pero ayaw matawag o ituring na bakla, nagulantang, nanghina, nag-init ang mga katawan at napatili ng walang sound matapos bumulaga ang hubad barong katawan ni Paulo Avelino sa kanyang mga opisyal na social media account.
Dalawa ang larawang pinag-uusapan, ang una ay in full display ang katawan ng mahusay na aktor na “dad bod” ang hulma. Ang pangalawang larawan, lean at mean body frame na parang pang male superstar model of the whole wide universe ang dating.
Sa totoo lang, mas nakakagigil, tunay katakam-takam at barakong totoo ang bagsik ng katawang pang-romansa ni Paulo na dad bod ang porma.
Kapag binasa mo nga ang sangrekwang comments, ang common denominator, mas masarap at katakam-takam ang mahusay na aktor kapag pormang dad bod ito.
May nagkagusto rin sa kanyang lean and mean with matching litaw na litaw ang packed abdominals pero mas malaki ang bilang ng mga may gusto at nasa sa kanyang dad bod kasi more of Paulo to hug, hold and love ito.
Ang larawan niya na in full dad bod ay galing sa “Linlang” na ipapalabas na sa free TV ngayong Enero 22. Naku, naku, naku, tiyak na mabubulabog na na naman ang lahat sa muling pagbabalik nito sa ere, sa true lang.
***
Ang isa sa pinaka-paboritong film producer sa show business, si Ms. Baby Go, go for gold muli ang kanyang BG Productions Inc. sa paggawa ng mga makabuluhan at dekalidad na mga pelikulang Pilipino.
Ang karamihan sa mga likhang pelikula ni Madam Baby ay inilalaban sa A list international film festivals, at kadalasan, hindi ito umuuwi ng luhaan, laging may uwing mga karangalan, huh!
“May mga naka-lineup na kaming projects. Nakapag-meeting na din kami ng production staff ko. I can confidently say that we are ready to make movies again this year,” saad pa ni Madam Baby.
Dagdag pa nitong pahayag: “May collaboration kami with g Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio. Ang title ito ay ‘One Dinner A Week’ at ang mga bida ay sina Edu Manzano, Ritz Azul, at Barbara Milano, mula sa direksyon ni Lester Dimaranan.”
Ibabalik rin ni Madam Baby sa merkado ang BG Showbiz Plus Magazine dahil buo ang pananalig niya na may mga gusto pa ring magbasa at bumili ng magasin na ang laman ay natatanging mga kwento tungpl sa entertainment industry.
Ilan pa sa mga ispesyal na panauhin ni Madam Baby sa kanyang ispesyal pagtitipon ay sina Imelda Papin, Atty. Jose Villanueva at ang maybahay nito na si Malou, William Castro ng FFCCCII, at ilang members ng Chinese Chamber of Commerce, mga representatives ng Masagana Partylistt, ang officer ng Pardsss na si Oyette Banayo, at ang line producer ng BG Productions na si Dennis Evangelista.
In full support, siyempre ang mga anak ni Madam Baby, sina Jean Go-Marasigan, Patty Go-Gamboa, Pamela Go-Novera, at Jerome Go.
Naghandog din ng awitin sina Aileen Papin, Bamboo Bobadilla, Janah Zaplan, at ang surprise performer ng gabing yon na si Atty. Topacio.
Pagtatapos ng BG Productions Inc. matriarch: “This only happens once a year. Marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat, so our party should be memorable.”
Kahit na matagumpay na sa kanyang mga negosyo si Madam Baby, malalim ang pagmamahal niya sa showbiz industry kaua naman tunay na inspirasyon siya sa kanyang larangan.