Matapang na sinagot ni GMA artist Liezel Lopez sa Fast Talk with Boy Abunda ang mga intrigang inagaw umano niya si Kristoffer Martin sa misis nito.
“Ano ang nangyari? Nagkaroon ba talaga ng overlap? Kasi inakusahan kang nang-agaw ka,” maanghang na tanong ni Tito Boy.
“Kung ako ang tatanungin, hindi po,” tugon ni Liezel. “Pero kung may natutunan ako roon, siguro ‘yung dapat ‘yung totoo, sinasabi.”
“Pero hindi ko na po kasi talaga kuwento ‘yun. Pero tungkol po roon sa tanong ninyo, hindi po ang sagot ko. Kasi, unang-una po sa lahat, hindi po ako nang-aagaw ng asawa ng may asawa,” dagdag pa ng dalaga.
Sinasabing inagaw raw kasi ng 26-anyos na aktres si Kristoffer matapos nilang maging magkareslasyon nang mag-break ang aktor at kanyang long-time girlfriend na si AC Banzon taong 2020.
Makalipas ang anim na buwan ay naghiwalay din naman sila Liezel at Kristoffer, at nakipagbalikan kay AC noong Hulyo 2021.
Pebrero 2022 ikinasal sina AC at Kristoffer sa isang civil ceremony sa Capas, Tarlac.
Nito lamang nakaraang buwan ng ipagdiwang ng mag-asawa ang ika-7 kaarawan ng kanilang anak na babae na si Prè.
Sa isang panayam naman ni Tito Boy kay Liezel noong Abril 2023, sinabi niya na okay sila ng aktor.
“Are you guys friends?” tanong ni Tito Boy.
“We’re okay,” sagot niya.