Isang 15-anyos na estudyante ang nasawi matapos nitong mahulog mula sa ikatlong palapag ng bahay ng kaniyang kaklase sa Bontoc, Mountain Province.
Batay sa paunang imbestigasyon, nag-iinuman umano ang binatilyo, ang kaniyang kuya at kaniyang kaklase at nagpaalam umano ang biktima na matutulog na.
Ilang saglit lamang, narinig ng kaniyang kuya na tila may bumagsak sa lupa kaya agad na tumawag ng tulong ang kuya ng biktima.
Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima.