Maluha-luha si Pambansang Bae Alden Richards habang ikinukwento ang mga panahong nais umano niyang makabawi sa kanyang ina ngunit wala na ito.
Sa pinakabagong episode ng Toni Talks ni Toni Gonzaga, sinabi ni Alden na malapit sa kanyang puso ang Metro Manila Film Festival movie na ‘A Family of Two (A Mother and Son Story)’ na pinagbibidahan nila ni Megastor Sharon Cuneta.
Ayon sa kanya, ito ay dahil isa kwento ng ina ang naturang pelikula.
“The story is very close to me because it’s a mother story, but being able to work with the Megastar opened a lot of discoveries,” sabi ni Alden.
“Sometimes, growing up, we tend to take for granted the love that we get from our parents, most especially our moms, and since this is a mother-and-son story. So, when you tend to neglect that relationship that you have with your mom and when the time comes that you’ll realize na gusto mo nang bumawi, but what if it’s too late?
“Take it from me, I lost my mom,” naluluhang sinabi ng aktor.
Pagbabahagi niya, worst feeling niyang maituturing ang naramdaman niya noong hindi na siya makabawi sa namayapa niyang ina gayong nagsisimula nang matupad ang lahat ng panagarap niya.
“I lost my mom, and by the time na gusto ko nang bumawi, I never got the chance. That’s the sad reality of things. It’s the worst feeling,” sabi ni Alden.
“Ready na ako, mama ko na lang ‘yung kulang,” dagdag niya.
Sinabi naman ni Toni kay Alden na hindi man niya nakakasama ang kanyang ina sa pisikal, panigurado ay kasama naman niya ito espiritual.
“Lagi ko ‘yang kinakausap up there. ‘Mama kita mo may award ako,’” ani Alden.
Sa naturang vlog, sinagot din ni Alden ang host sa tanong nitong, “What are you tired hearing about?”
Sagot ng aktor: “Sa gender issue.”
“Tingin n’yo ganoon? Fine. Tingin n’yo bading? Fine. Ang iniisip ko nga minsan kapag may mga rumors, wala na bang iba?” hirit pa ni Alden.
Nito lamang Martes nang ipagdiwang ng aktor ang kanyang ika-32 kaarawan.