Tinatayang nasa P40 milyong halaga ng alahas at pera ang nasamsam ng mga magnanakaw sa isang mall sa Ozamiz City, Misamis Occidental nitong Bagong Taon.
Ayon sa mga otoridad, nangyari ang pagnanakaw sa Gaisano Mall sa Purok 3, Barangay Baybay Sta. Cruz kung saan nadiskubre ng isang empleyado ng mall ang krimen bandang 11 a.m. nitong Lunes.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakapsok sa mall ang mga salarin sa pamamagitan ng isang butas na hinukay nila sa drainage ng food court ng mall at dito rin umano maaaring dumaan palabas ang mga suspek.
Bukod sa alahasan, ninakawan din daw ng mga suspek ang isang automated teller machine at nilamas ang lahat ng pera sa loob nito.
Naaresto naman na ang isang suspek sa krimen kasunod ng ikinasang follow-up operations ng mga otoridad.
Kasalukuyang umaarangkada pa ang manhunt at ‘intelligence-driven checkpoint operations’ para sa pagtugis sa iba pang kasabwat sa krimen, ayon sa sa kapulisan ng nasabing lalawigan.