Iniulat ng Department of Migrant Workers na pumalo na sa kabuuang 555 na mga overseas Filipino workers ang bilang ng mga na-repatriate na sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.
Ayon kay Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac, ang napauwing mga Pilipino ay mula sa Israel at Lebanon at inaasahan din ang karagdagan pang ika-15 batch ng mga Pilipino na naiipit sa giyera sa Irael na ma-repatriate sa bansa na kinabibilangan ng 83 mga indibidwal.
Dagdag pa niya, ang mga Pilipinong na-repatriate mula Israel ay pinagkalooban ng P100,000 na tulong pinansiyal para matulungan ang mga ito na makarekober at makapagsimula ng maliit na negosyo.
Nagbibigay din ang TESDA ng training commitment at training vouchers sa anumang accredited institution at anumang TESDA course.
Mayroon ding assistance na ibibigay ang Department of Labor and Employment at DMW para matulungang makahanap ng trabaho ang mga OFW returnees mula Israel.