Patay ang isang lalaking surfer matapos siyang sakmalin ng isang pating sa Paia Bay sa Maui, Hawaii nitong Sabado.
Kinilala ang biktima na si Jason Carter, 39 anyos.
Ayon sa pulisya, nakuha pa nila si Carter at naisugod sa pampang sakay ng jet ski.
Agad nilang dinala ang biktima sa ospital kung saan binawian siya ng buhay dahil sa mga pinsalang tinamo niya sa katawan, ayon sa ulat ng Agence France Presse.
Dahil sa nangyari, sinara ng mga otoridad ang dalampasigan at naglagay ng mga babala tungkol sa pating.
Ayon sa ulat, ang nagyaring insidente ang natatanging naitalang nakamamatay na atake ng pating sa Hawaii para sa taong 2023.