Sinalubong ni Kapamilya star Anne Curtis ang Bagong Taon nang may bagong tattoo at sa kanyang IG, ibinahagi ng aktres ang kanyang litrato na walang pantaas at ibinibida ang kanyang bagong tattoo na dalawang bulaklak—isang rosas at isang dahlia na may mga dahon.
Ayon sa ulat, dahlia ang pabortiong bulaklak ng aktres na pangalan ng kanyang 3-anyos anak na babae sa kanyang mister na si Erwan Heussaff.
Napakoment naman dito ang celebrity stylist na si Liz Uy ng tatlong apoy na emojis.
Nito lamang nakaraang linggo nang mag-post si Anne sa X (dating Twitter) ng mensahe para sa mga overseas Filipino workers na aniya’y may balak umuwi para sa kaarawan niya.
“Morning guys! Sa lahat ng may balak umuwi para sa birthday ko. Wala po ako. Manonood po ako kay ate @taylorswift13. Next year na lang po!” sabi niya.
Kaugnay ito sa isang lutang moment niya Showtime kung saan nag-uusap sila ni Vice Ganda tungkol sa mga sakrispiyo ng OFW sa ibang bansa.
“Ang pinakamahirap na hinaharap ng mga Pilipino don eh yung pagka-miss nila sa pamilya nila sa Pilipinas.. homesick diba..” sabi ni VIce Ganda
“Lalo na during Christmas or family celebrations na you’re meant to be together,” sey naman ni Anne.
“Birthday mo..” dugtong ni Vice.
“Birthday ko?” tanong ni Anne.
“Hindi, kunwari birthday mo. Sa palagay mo bakit mami-miss ng OFW yung birthday mo?” mabilis na hirit ni Vice.