May mga kumakalat umanong mga balita na naghiwalay na pero nagkabalikang muli ang celebrity couple na sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez at ayon pa sa tsismis, tumagal ng ilang buwan ang hiwalayan pero nagdesisyon umano sila na bigyan ng second chance ang kanilang pagmamahalan.
Kahit wala umanong napapabalitang third party sa nangyaring hiwalayan, lumutang pa rin na nagkakamabutihan na raw sina Paulo at Kim Chiu matapos silang magsama sa hit Kapamilya series na “Linlang”.
Ito ang dahilan kung bakit kumalat ang balita na break na sina Paulo at Janine kahit hindi pa naman talaga umaamin ever ang dalawa sa kanilang tunay na relasyon.
Mas umingay pa ang tsismis sa pagitan nina Kim at Paulo nang kumpirmahin ng dalaga na totoong hiwalay na sila ni Xian Lim pero nananatili pa rin daw silang magkaibigan.