Humingi na ng paumanhin ang Philippine Airlines sa anak ni YouTube sensation at socialite na si Small Laude matapos nitong hindi makasakay sa erpolano patungong Japan dahil umano sa mga isyu sa passport nito.
Ayon kay Laude, naiwan umano ang kanyang anak na si Allison dahil umano sa maling desisyon ng nasabing airlines at nasira na ang kanilang family vacation dahil sa stress na dinulot nila.
Ito ay matapos hindi pahintulutang makapasok ni Alison sa Japan dahil sa isyu sa kanyang pansamantalang Canadian passport.
“My daughter got left behind because of PAL’s wrong decision! [It’s] ruined our family vacation and it caused us so much [stress]. Allison was in tears leaving the airport going back to the house,” saad ni Laude sa kanyang social media post.
“The check-in manager said they called the Japanese Embassy that my daughter’s Canadian temporary passport will not be allowed entry into Japan, but learned she did not call at all. We found out later it’s allowed!!! PAL should be responsible with their decisions,” dagdag pa niya.
Naglabas naman ng pahayag ang PAL patungkol dito at sinabing nanghingi na sila ng tawad kay Allison dahil sa nangyari.
“Philippine Airlines has apologized to passenger Allison Eduardo Laude for her non-acceptance on flight PR432 to Tokyo last December 26 due to the initial assessment on her temporary Canadian passport as travel document,” saad nila.
Ayon sa ulat, nakipag-uganayan din ang PAL sa mga otoridad ng Japan immigration at sinabing “acceptable for travel to Tokyo” ang pansamantalang Canadian passport ni Allison.
“Ms. Laude was able to fly to Tokyo the following day (December 27). She has been assured of the proper compensation for the inconvenience she experienced. Internal actions are being carried out to prevent such occurrences in the future,” saad nila.