Ang mga matataba ang utak sa Ekis social media site, walang katatakot-takot na pinangalanan ang isang bulag na chika. Joining the hiwalayan bandwagon na, ayon sa pangkat katkatere at team dalahira sa X, ang mahusay na aktor na si Jericho Rosales at asawa nitong si Kim Jones!
Kaloka kung true at hindi balitangkuryente, hu! Gone with the wind ang 9-year-old nilang relasyon at pagsasama. Ang kasalan nilang nangyari pa man din sa la isla bonita na Boracay isa na lamang ala-ala at lost in space at lost in emotion na ito.
Ang mga tanong of national importance, ang pagdalo nila sa isang pantabulosang ball ay isang for the sake of public appearancelang ba? Sa true nga ba na matagal ang hiwalayan at sa kasukukukuyan, inaayos na nga ba ang annulment nila? Sa true ikalawang ulit na pagbanggit, na kahit may tuldok at tandang pandamdam na ang kanilang pagmamahalan, magkaibigang matalik pero hindi na nagtatalik ang mag-ex? Husband and wife na naging mag-ex, pwede ba talagang maging friends? How emotionally mature, right? And how cosmopolitan and sophiscated!
Pang first world naman masyado ang hiwalayan na ito. Walang bangayan sa social media. Walang sumasawsaw na parental at friends. At walang visitation issues kasi nga wala namang silang naging supling.
For sure, kung friends for real ang kanilang turingan, walang masyadong messy situation ang kanilang conjugal properties.
Kung tunay ngang tuyo na ang damdamin nina Rosales at Jones para sa isa’t-isa kaya humantong sa hiwalayan blues ito, makaka-asa ba tayo na magiging busy at visible muli si Papa Echo sa kanyang showbiz career?
Ang daming mga tanong! Echo at Kim, pakisagot na ang mga ito, agad-agad, huh!
Si Jericho ay tinaguriang ABSCBN drama prince at lahat ay buo ang pananalig sa galing at husay nito. Kung talagang babad si Rosales sa kanyang karera, maaring hindi naka-porma ang tulad nina Paulo Avelino, JM de Guzman at Joshua Garcia, sa true lang.
Sa tamang panahon, ang sagot sa tanong ay ating malalaman patungkol sa estadong marital ni Papa Echo. Naway may nakalinya sa Star Magic Kingdom na mga proyektong pampelikula at telebisyon para sa kanilang orhinal na drama prince.
***
Eh kamusta naman kaya ang pinatahimik na sina Sean Tristan at Raven Rigor? Hiwalay na nga kaya ang dekolor at puti nila? O tuloy pa rin ang baklaan at kabaklang alang-alang sa mga fan na nanalig at sumusuporta sa kanilang SeVen love team?
Nawa’y nakapag-usap na ang dalawang binata in their early twenties at may sagot na sila sa tanong na what do they mean to each other ba? Friends na platonic? Friends na pang show and tell? Friends na may benefits? Love team sa harap ng camera pero walang relasyon sa tunay na buhay? Workmates na gagawin ang lahat ng fan servicing para magpakilig at bolahin ang mga fan? O dalawang lalaki sila na tunay na nagmamahalan, sa hirap at ginhawa, sa sakit at ligaya?
Naku, naku, naku Sean at Raven, nawa’y kung meron kayong away at tampuhan, huwag niyo na uit itong ipangalandakan sa social media at pag-usapan bilang mga maginoong binata ang dapat pag-usapan na kayong dalawa lamang ang nakaka-alam. Personal na pagtutuos, puso sa pusong baliktatakan. Kung talagang buo at matibay ang inyong pagiging magkaibigan, lahat ay maayos kung inyong kapwa gusto na ito ay ayusin.