Inalis sa puwesto ang isang pulis na nagmamaneho ng police car na pumasok ng EDSA Busway naging sanhi naman ng pagbangga ng isang bus sa railings dahil iniwasan ang sasakyan.
Ayon sa Philippine National Police, naglunsad na ito ng imbestigasyon kaugnay sa insidente ay na-relieve na rin sa puwesto ang pulis na sangkot dito.
“Prior to this, the police driver has been issued an Ordinance Violation Receipt by the Quezon City Traffic Enforcement Group for reckless driving,” sabi pa ng PNP.
Dagdag nito, nagpapatupad sila ng “zero tolerance policy” sa mga nagkakasalang tauhan.
“We place utmost importance on strict adherence to traffic rules and regulations, as well as the responsible utilization of government-issued vehicles,” sabi pa ng PNP.
“The PNP remains dedicated to serving and protecting the Filipino people, while upholding the integrity of our esteemed organization and its core principles,” pagtiyak pa nito.
Limang pasahero ng bus ang nasaktan dahil sa insidente. Dinala sila sa ospital at pinayagan din makauwi matapos na masuri at malapatan ng lunas.
Sa dashcam footage, nakita na binabaybay ng bus ang EDSA busway nang pumasok ang police car sa naturang linya.
Iniwasan ng bus ang police car kaya bumangga ito sa bakod ng Metro Rail Transit Line 3 sa Santolan Station southbound.
Dahil sa insidente, pinaalalahanan ng Department of Transportation ang mga driver ng mga sasakyan na pinapayagan na gumamit ng EDSA busway na maging maingat para sa kaligtasan ng mga pasahero.