Tinapos ng tatlong koponan – ang Nueva Ecija, Binañ and San Juan ang taong 2023 nang may perpektong record matapos gapiin ang kanilang mga katunggali sa PSL President’s Cup.
Wagi ang Capitals sa Novaliches, 96-74 dahil sa pangunguna ni Bobby Balucanag upang itala ang kanilang ika-pitong sunod na panalo.
Kumamada si Balucanag ng 15 points mula sa 7-of-11 shooting.
Sa kabila ng perpektong record, hindi pa rin nakakampante si Nueva Ecija head coach Jerson Cabiltes at tatargetin pa rin nila ang kampeonato.
“We fell short winning a championship in the other league we’ve been competing. This is a new challenge for us,” sabi ni Cabiltes. “It’s a brand new ball game. We just have to move on, play harder and tougher and hopefully, we can win a championship in the PSL. Ito na lang ang kulang.”
Ang Biñan naman, nagtala ng panalo laban sa CV Siniloan, 92-61.
Pinangunahan ni Joseph Peñaredondo ang Tatak Gel na may 15 points mula 6-of-9 shooting.
Samantala, tinapos naman ng San Juan ang taon sa pamamagitan ng isang 92-88 panalo laban sa wala pang talong Quezon kung saan nanguna sina Mike Calisaan at John Mike Galinato na may tig-14 puntos.
“We’re just confident with the roles being given to us by the coaches and we really wanted to come to the Holiday Seasons on a high note,” saad ni Galinato.