Tila burning red ang kulay ng Pasko ni Kapuso star Julie Ann San Jose.
Sa pinakabago niya kasing Instagram post, nagbahagi ang aktres ng ilan niyang portraits kung saan nakausot siya ng pulang gown at with maching red lipstick pa.
“Late,” caption niya.
Siyempre, isa sa mga pinaka unang nagkomento rito ang nobyo niyang si Rayver Cruz na nag-iwan ng tatlong heart eyes emoji.
Nito lamang Martes nang i-flex ni Rayver sa TikTok si Julie Anne dahil sa pagkanta niya sa Christmas gathering ng kanyang pamila.
Makikita sa maikling video na walang kahirap-hirap na ibinibirit ng aktres ang “I Have Nothing” ni Whitney Houston.
“Libreng Christmas Concert! Sheesh” caption ni Rayver.
Makikita naman ang kapatid ni Rayver na si Rodjun at misis niyang si Dianne Medina na tuwang-tuwang pinanapanood na kumakanta ang aktres.
Kasalukuyang nagsisilbing hurado si Julie Anne sa “The Voice Generations” ng Kapuso network. Gumanap din siya bilang Maria Clara sa “Maria Clara at Ibarra.”
Nito lamang Disyembre 2 nang magtanghal ang aktres kasama sina Rita Daniela, Jessica Villarubin, Thea Astley, Mariane Osabel, at Hannah Precillas sa “Queendom: Live!” na ginanap sa Newport Performing Arts Theater.