Matapos ang kumpirmasyon na hiwalay na siya sa aktor na si Xian Lim, pinainit muli ng aktres na si Kim Chiu ang social media nang ipost niya sa kanyang IG ang kanyang mga larawan na talaga namang oozing with sexiness.
Makikita rin na tila nag-eenjoy ngayon sa buhay si Kim matapos ang confirmed and official breakup nila.
Mukhang pagkatapos magdiriwang ng Pasko ay dumiretso na siya sa Balesin Island upang makapag-relax.
“Opacarophile,” caption niya na tumutukoy sa isang taong mahilig sa sunsets o paglubog ng araw. “Grateful for small things, big things, and everything in between [sun emoji].”
Sa comment section, mababasa na marami ang nagpahayag ng suporta kay Kim para sa kanyang single journey, habang may iilan namang pinapatamaan ang dating partner niya.
Kung matatandaan, ilang araw bago mag-Pasko, kinumpirma na mismo ni Kim sa isang official statement na naghiwalay na sila ni Xian makalipas ang mahigit isang dekada na mag-dyowa.