Hindi napigilan ni YouTube star Ivana Alawi na maiyak nang ‘tarayan’ siya ng nag-iisang Marian Rivera.
Sa pinakabago kasing vlog ni Ivana, makikitang sinungitan siya ng Kapuso Primetime Queen habang nagmumukbang sila na may kasamang question and answer portion.
“Baka ‘di ko pa call time nandu’n na ‘ko,” wika ni Ivana nang tanungin kung may chance ba silang magkatrabaho ni Marian.
Hinirit naman ni Mona, nakababatang kapatid ni Ivana, na sa pag-shoot pa lamang ng vlog nila ni Marian ay late na ang ate niya.
“Bakit late ka kanina? Sabi mo maaga ka? Ba’t ngayon late ka?” wika ni Ivana.
Sambit ng Kapuso actress, ang pinaka-ayaw niyang ugali sa mga katrabaho ay ang palaging late.
“Alam mo bang ayaw na ayaw ko ng late? Kanina sabi ko kay Paolo, ano na? Bakit ang tagal? Bakit ka late? Ayoko na ngang gawin to eh,” sabi ni Marian.
“Next time po maaga na ko,” sagot naman ni Ivana.
“Wala ng next time. Last mo na to,” mabilis na tugon ni Marian.
“Palagi ba siyang late, hindi magandang attitude yan pag artista ka ha? Sa taping ganyan ka din? Prima donna ka? Eh bakit sa akin late ka? So namimili siya… pag kay Batang Quiapo hindi siya nale-late, pag dito late siya?” pagpapatuloy pa niya.
Sambit ni Marian, halos isang oras siyang naghintay kay Ivana. Sinisi naman ni Ivana ang kanyang kuya na nagbanyo raw kaya sila natagalang umalis ng bahay.
“Bakit ka na-late? Alam mo bang walang nagpapahintay sa’kin dito tapos ikaw late ka? Tapos ito lang handa mo sa akin, crab lang? Sabi nila madaming food diba, naku ano bang vlog to? Kakaloka puchu puchu,” sey pa ni Marian bago tuluyang ipaputol ang vlog ni Ivana.
Ayun pala, bago pa man ang pagkikita ng dalawa ay kinuntsaba na ni Mona si Marian para i-prank ang kanyang ate.
“Ang alam po ni ate is magmu-mukbang lang po kayo. ’Yun po kasi ’yung usually ginagawa niya pero ano po sana, sungitan niyo po sana siya,” sabi ni Mona habang kausap sa video call si Marian.
“Anong level ’yung gusto mo?” tanong naman ni Maria.
“’Yung level po sana na maiiyak si ate,” sagot ni Mona.
“Sige. Mamaya magalit ’yung ate mo sa’kin ha,” saad ni Marian.
“Hindi po. ’Di po magagalit ’yun. Ano lang, kasi super idol ka po namin and super idol ka po ni ate. So, parang super excited siya. Ganto po kasi ’yung love language namin. Magpaiyak ng isa’t isa,” hirit ni Mona.
Sa huli ay ibinunyag ni Marian na prank lang ang lahat at niyakap niya si Ivana dahil nanginginig na raw siya.
“Wala na, wala na tatalo sa prank na ‘to, ‘yung pinrank ka ng idol mo,” sabi ni Ivana.