Nagbigay ng tulong ang Department of Social and Development sa mga indibidwal na nakaligtas sa nangyaring insidente ng pambobomba sa MSU Marawi noong December 3, 2023.
Pinangunahan ng Field Office-10 Northern Mindanao ang pamamahagi ng naturang ayuda at tumanggap ng cash aid ang aabot sa 130 indibidwal pati na ang pamilyang naapektuhan ng insidente.
Naghatid rin ng libreng counseling services ang DSWD na may layunin na matulungan ang mga nakaligtas na muling maisaayos ang kanilang diwa mula sa ‘traumatic experience’. ng mga ito.
Siniguro rin ng DSWD Northern Mindanao Field Office na sila ay patuloy na magbibigay ng suporta sa mga MSU bombing survivors.
Una rito, tiniyak na rin ng CHED na sila ay mamamahagi rin ng karagdagang pinansyal na tulong para sa mga apektadong estudyante sa nangyaring pagsabog sa pamamagitan ng Tulong Dunong para sa School Year 2023-2024 program ng kagawaran.