Patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga pasahero sa ilang mga bus terminals sa Metro Manila na humahabol ng biyahe para sa selebrasyon ng Bagong Taon sa Lunes.
Ilang mga biyaherong papunta sa iba’t ibang probinsya pa-Norte ang dumagsa sa Quezon City.
Nauna nang nagpaalala ang ilang bus terminal na kaunti na lang ang dalhin kung bibiyahe ngayong holiday season.
Sinabi na rin ng Metropolitan Manila Development Authority na pinaghahandaan nito ang mabigat na trapiko at “carmageddon” para sa holidays.
Sa Parañaque Integrated Terminal Exchange naman, humabol din ang ilang pasahero para makauwi sa kani-kanilang probinsiya nitong Miyerkoles ng madaling-araw.
Tiniyak naman ng pamunuan ng PITX na may sapat silang mga bus na bibiyahe para sa kanilang mga pasahero na pauwi bago mag-Bagong Taon.