Maraming mga netizens at tagahanga ng aktres na si Kathryn Bernardo ang natuwa sa isang post ng dalaga sa kanyang IG kung saan mine-makeup-an niya ang kanyang pamangkin.
Makikita sa post ang cute na cute na mga litrato at videos ng chikiting na enjoy na enjoy habang siya’y inaayusan ng kanyang tita.
Nag-request kasi umano ang bulilit na gusto niya rin ng makeup kaya naging makeup artist tuloy ang aktres.
Nilagay pa nga ni Kathryn sa caption ang eksaktong sinabi ng kanyang pamangkin sa kanya: “I want make up too, tita Chat.”
Bukod sa fans, cute na cute rin ang ilang kapwa-celebrities na napa-comment sa IG post ni Kathryn.
“Cuteeee [happy face with heart eyes emojis],” sey ng actress-comedienne na si Lovely Abella.
Lahad naman ng aktres na si Julia Montes, “Ang haba ng lashessssss [happy face with heart eyes emojis].”
Samantala, makikita naman ang mga artistang nag-like ng nasabing post kagaya nila Daniel Padilla, Sarah Lahbati, at Arci Munoz.
Kamakailan lang matapos ang confirmed breakup with Daniel, inihayag ni Kathryn ang ilan sa mga nagpapasaya sa kanya recently.
Ilan lamang sa mga ipinakita niya sa social media post ay ang nature, dagat, rainbow, pati na rin ang ilan niyang non-showbiz friends.