Inihayag ng Bureau of Immigration na nasa 60,000 arrivals kada araw sa buong Pilipinas ang naitala ngayong buwan ng Disyembre.
Sinabi ng BI na tumaas ang bilang ng arrivals mula sa 50,000 sa unang linggo ng Disyembre sa halos 60,000 ngayong linggo ng Kapaskuhan.
Iniulat naman ni Immigration commissioner Norman Tansingco na mahigit 85 percent ng mga pasahero ay dumating sa bansa sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport.
Samantala, nasa 31,408 naman ang naitalang umalis sa bansa noong Disyembre 23 na tumataas mula sa 25,759 na naitala sa unang araw ng Disyembre.
Nagpaalala naman si Tansingco sa dumarating na mga Pilipino na gamitin ang e-gates at magrehistro sa e-travel ng 72 oras bago ang arrival o departure sa bansa.