Inihayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi sila titigil sa kanilang ginagawang pag-atake laban sa mga Hamas sa Gaza hangga’t hindi nila nalulupig ang mga ito.
Ayon sa kanya, walang makakapagpigil sa kanila at malayo pa bago tuluyang matapos ang giyera nila sa Hamas, pero aminado naman ang mga opisyal ng Israel military na naging complex at kumplikado ang labanan dahil sa marami sa kanilang mga sundalo ang nasawi.
Nasa mahigit 20,674 katao na rin ang nasawi at 54,536 ang sugatan dahil sa labanan mula pa noong Oktubre 7.
Samantala, pinaghahandaan ng rin ng Israel ang maaring pagganti ng Iran matapos na mapatay nila ang senior general ng Islamic Revolutionary Guard Corps sa Syria.
Si Sayyed Razi Mousavi ay kasamang nasawi ng tamaan ng missile ng Israel ang gusali kung saan ito tumitira.
Ang nasabing opisyal ay siyang namumuno sa grupo sa Israel.
Dahil sa insidente ay nagbanta si Iranian President Ebrahim Raisi na dapat managot ang Israel dahil sa ginawang missile attack.
Sa ibang balita, ikinagalit naman ng Doctors Without Borders ang ginawang airstrikes ng Israel sa Maghazi at Bureij refugee camps.
Umaabot kasi sa mahigit 200 na sugatan at 131 na ang nasawi ang dinala sa Al-Aqsa Hospital.
Karamihan sa mga dinala pa sa pagamutan ay mga babae at kabataan.
Ayon pa sa grupo na wala ng ligtas na lugar sa Gaza dahil sa nasabing mga pag-atake.