Masayang-masaya sa loob at labas ng showbizlandia kasi nga, sumugod talaga ang mga Pinoy sa mga sinehan para suportahan ang mga kasalukuyang kalahok sa Metro Manila Film Festival.
Siksik, liglig at umaapaw talaga ang mga manonood sa mga pelikulang Pinoy at kung ano pa yung tinuturing at sinasabing dekalidad at mas kakaunti ang mga sinehan, ang siyang inuuna.
Malakas na malakas at pawang positibo ang word of mouth campaign para sa Zig Dulay’s Firely, Pepe Diokno’s Gomburza at Derick Cabrido’s Mallari. Sangrekwa ang gustong-gusto ang mga pakwela at hugot sa Jun Lana’s Becky and Badette at Lem Lorca’s Broken Hearts Trip.
Prangkahan na tayo, itong mga binanggit ng inyong lingkod, worth your hard earned pesos at braving the holiday traffic talaga.
Ang mga netizen, ang mga kuda, ang magkakuhan sa pinaka-mahusay na pelikula ay Firefly, Mallari at GomBurZa.
Sa pinakamahusay na pangunahing aktres, sigurado na alikabok ang iwawalis ni Alessandra de Rossi sa mga sinasabing pinaka-maigting niyang kumpetisyon, sina Sharon Cuneta at Marian Rivera. Ang pwede lang bumarag sa sure win ni Alessandra, at iyan ay kung gusto ng MMFF ng pang-malakasang alingasngas, pagtablahin sa best actress sina Eugene Domingo at Marietta Subong na mas kilala bilang si Pokwang. O, na huwag naman sana, may kung anong pwersa ang magluluklok kay Beauty Gonzalez na igawad sa kanya ang parangal.
Sa pinakamahusay na pangunahing aktor, ang pinaka-matinding magkakatunggali ay sina Cedric Juan, Piolo Pascual at Dinhdong Dantes. Tiyak na mahihirapan ang mga hurado sa kategoryang ito dahil talagang laban kung laban ang tatlong aktor sa brillo, galing at pahusayan.
Sa totoo lang, ito ngang si Pascual, na may special participation katauhan sa GomBurza, at si Dantes, na may special participation na katauhan rin sa Firefly, pasol na pasok nga sa kategoryang pinalamahusay na katuwang na aktor. Kaso, ang dapat mag-uwi ng karangalang ito, eh si JC Santos bilang si Brother Lucas sa Mallari. Halimaw siya sa husay! Halimaw sa galing! Nanlalamon sa eksena. Buti nga at hindi mahina-hinang aktor si Piolo kaya hindi ito kinabog in a major, major way.
Nawa’y pagkatapos itanghal ang mga mananalo sa MMFF Gabi ng Parangal, eh patuloy ang pagdagsa ng mga manonood sa mga sinehan.