Ang Pasko ay araw ng pagbubukas ng regalo. Ibang regalo naman ang binuksan ni Wynwyn Marquez para sa mga tagahanga ng Kapuso actress nang ipakilala niya ang kanyang pinakatago-tagong partner na hindi taga-showbiz sa kanyang Instagram.
Sa post ng Reina Hispanoamerica 2017, ipinakita sa litrato ang kanyang anak at partner na hindi niya pinangalanan.
“Sending you warm Christmas wishes from our family to yours!” ayon sa caption ng aktres.
“This season may bring a renewed sense of hope, faith, and love into your lives. Let us all pray for healing and peace for ourselves and for the world around us,” dagdag niya.
“First love” ang tawag ni Marquez sa kanyang partner na siya ring ama ng kanyang anak na si Luna, na kasama sa IG post niya.
Isinilang ni Wynwyn si Luna nitong nakaraang taon at pinagsasabay niya ang pag-aalaga sa anak at ang kanyang trabaho.
Kalalabas lamang niya sa mga teleseryeng “Mga Lihim ni Urduja” at “The Cheating Game.”