Naaresto ng mga otoridad ang isang lalaking suspek umano sa pagpatay sa isang babaeng overseas Filipino worker na na umuwi lang ng Pilipinas para magdiwang ng Pasko sa Antipolo City, Rizal.
Batay sa mga ulat, kinilala ng suspek na si Art Tondo, na nadakip ng mga tauhan ng pulisya sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City habang kumukuha ng kaniyang sahod bilang construction workers.
Si Tondo ang itinuturong suspek sa pagpatay kay Canice Minica Seming na natagpuang duguan sa bahay ng kapatid nito sa Rizal na nagtamo rin ng 26 na saksak.
“Para siyang normal, eh, nung hinuli siya. wala siyang… there’s no sense of remorse during his arrest. Wala siyang remorse. kumuha pa siya ng sahod nya. Parang walang nangyari,” ayon kay Antipolo Police Chief Police Lieutenant Colonel Ryan Manongdo nang maaresto si Tondo.
Sa himpilan ng pulisya, inamin ni Tondo ang ginawang pagsaksak sa biktima at base sa kanyang salaysay, pumunta umano ang suspek sa bahay kung saan nagsisilbing kasambahay ang kaniyang dating kinakasama. Pero dahil wala sa bahay ang kasambahay, inutusan daw ng suspek ang biktima na i-chat ang kasambahay.
“Nagkasagutan po kami. Pinapalabas po ako ni…biktima. Lasing po ako noong mga time na ‘yon,” saad ng suspek na nagdilim na raw ang paningin niya at pinagsasaksak ang OFW.
Humingi ng tawad si Tondo sa mga kaanak ng biktima.
Nakita na rin ng mga awtoridad ang folding knife na ginamit ng suspek sa krimen na itinapon sa imburnal na malapit sa bahay ng biktima.
Kasong murder ang isasampa ng pulisya laban kay Tondo.
“The number of stab wounds will be an indicator or magpi-fit siya doon sa ating ipa-file na complaint na murder,” saad ni Manongdo. “Twenty-six na stab wounds, talagang karumaldumal. Yung degree ng pagpatay is malala.”
Sa kabila ng kalungkutan dahil sa nangyaring trahediya, masaya na rin ang mga kaanak ng biktima dahil na nadakip na ang suspek.