Ilang daang pasahero sa Manila North Port Terminal na na-stranded matapos ma-reschedule ang kanilang biyahe dahil sa masungit na lagay ng panahon.
Ayon sa ilang mga pasahero, nagpadala sa kanila ng text message ang shipping company na 2GO noong 22 Disyembre na maantala ang kanilang biyahe dahil sa masamang lagay ng panahon subalit dismayado naman ang ilang mga pasahero dahil hindi umano naipaalam sa kanila na na-reschedule ang kanilang biyahe.
Ayon naman sa shipping company, magpapatuloy ang kanilang pagbiyahe bukas Disyembre 26 dakong alas 6:30 ng umaga.
Sinabi naman ng Philippine Coast Guard na ang ferry services sa Manila North Port Terminal ay normal at nakapagtala rin ito ang 18,932 outbound passengers at 18,381 inbound passengers sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa mula hatinggabi hanggang alas-6 ng umaga nitong Lunes.