Inihayag ng Armed Forces of the Philippines nitong Lunes na siyam na indibiduwal na pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army ang namatay sa isang sustained operation na isinagawa ng militar sa isang bahagi ng probinsya ng Bukidnon.
Ayon kay Army 4th Infantry Division spokesperson Maj. Francisco Garello Jr., nakasagupa ng naturang mga rebelde ang mga tropa ng 4ID sa magubat na bahagi ng mga Barangay Can-ayan, Kibabalg, Kulaman at Mapulo sa Malaybalay City sa Bukidnon.
Ang insidente ay naitala sa kabila umano ng idineklarang dalawang araw na unilateral ceasefire ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front kasabay ng kanilang paggunita sa kanilang ika-55 anibersaryo.
Narekober rin sa lugar ang walong iba’t-ibang mga armas ng mga ito ang narekober ng mga militar mula sa naturang sagupaan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang ikinasang pursuit operations ng militar sa lugar katuwang ang Philippine National Police upang tuntunin ang iba pang mga kasamahan ng nasawing mga rebelde mula sa naturang bakbakan.
Samantala, sinabi naman ni AFP Public Affairs Office chief Colonel Xerxes Trinidad na mananatiling nakaalerto ang militar sa kabila ng pagsasagawa ng unilateral ceasefire ng mga rebelde.
“We will be watchful and our operations will continue unabated to keep our communities safe and end the communist armed conflict, once and for all. The defeat of this threat aligns with the collective wish of all Filipinos,” sabi ni Trinidad.
“The unilateral ceasefire declared by the CPP is an empty statement as they do not have the leadership and support of the masses. Their ammunition are depleted and their members, supporters included, are surrendering,” dagdag niya.
Kung matatandaan, nagpapatuloy ang mga isinasagawang mga operasyon ng military laban sa mga rebelde, at nitong nakaraan nga ay nagpaabot ng pakikidalamhati ang AFP sa naulilang pamilya ng nasawing sundalo at tatlong iba pang sugatan sa Batangas.
Aabot sa anim na mga miyembro ng NPA ang na-nutralisa sa AFP mula sa naturang operasyon sa Barangay Malalay, Balayan, sa probinsya ng Batangas.
Una nang sinabi ni Army 2nd Infantry Division Spokesperson LTCol. Hector Estolas na ang mga ito ay kabilang sa 14 na mga rebelde na naka-engkwento ng mga tropa ng militar matapos matunugan ng mga otoridad ang planong pagpupulong ng grupo para sa layunin nitong muling buhayin ang NPA sa Batangas.