Nadagdagan ang koleksyon ng gintong medalya ni Cambodia Southeast Asian Games kata champion Sakura Alforte matapos niyang manguna sa karate championship ng Philippine National Games na ginanap nitong Biyernes sa Philsports Arena, Pasig City.
Hindi naging madali ang pagkapanalo ng 21 anyos na atleta dahil dikit ang score nila ng beterano at dating national karate champion na si Rebceca Cyril Torres. Sa naturang patimpalak, 0.20 lang ang inilamang ni Alforte kay Torres.
“It’s always nice to have a challenge, which only means you strive to perform better than yourself. I think Ma’am Rica is an important rival for me at the local level,” sabi ni Alforte matapos ang laban.
Sinabi naman ni Torres, 31 anyos, na naging maganda sa pakiramdam ang pagtutuos nila ni Alforte.
“This faceoff with Sakura felt great since I think this is just the first time we competed against each other since the Covid-19 pandemic,” wika niya.
Lumapag naman sa ikatlong puwesto si Samantha Veguillas, anak ni dating karate champion Chino Veguillas, na nakakuha ng 22.70 points sa nasabing kompetisyon.
Samantala, si Jeremy Nopre na isang world championship quarterfinalist ang nanguna sa men’s category ng kata na may 23.50 points.
Sinundan siya ni Felix Calipusan na may score na 22.90, at Giovanni Apuya na nag-uwi ng bronze para sa nakuhang 22.50 score.