Hawak na ng Department of Social Welfare and Development ang isang menor de edad na umano’y suspek sa pagpatay sa isang 7 anyos na bata.
Batay sa mga ulat, inamin naman daw ng 14-anyos na suspek ang krimen at natagpuan ang bangkay ng biktima noong Disiyembre 12.
Ayon sa menor de edad na suspek, isang pastor na tinatawag na “Alcom” ang nag-utos sa kanya na gawin ang pagpaslang sa bata at binantaan din umano ang buhay niya sakaling hindi niya ito magawa.
“According sa statement ng minor, ang nag-utos sa kanya, kung hindi daw niya mapapatay ang bata, siya daw ang papatayin. So, parang wala siyang choice, tapos parang may problema sa pamilya ang party sa nag-utos at ang bata na pinatay,” ayon kay Iligan Police spokesperson Police Major Zandrex Panolong.
“Ang kanyang revelation is binagsakan daw niya ng bato ang ulo [ng biktima] pero nakita ko na may sugat na parang resulta ng matalas na bagay. Ang expert from the forensic unit ang makaka-determine sa cause of death,” dagdag niya.
Hindi pa nakukumpirma ng pulisya ang motibo ng suspek sa krimen.
Kasalukuyan ding tinutugis ng mga otioridad ang umano’y pastor.