Mukhang pinanindigan na ng aktres na si Janella Salvador na hindi na siya makikipagbalikan pa sa dating karelasyon na si Markus Paterson.
Sa isang panayam, sinabi ng aktres na wala nang chance na magka-ayos pa sila ng ama ng kanyang anak na si Jude at hindi umano sumasagi sa isip niya ang makipagbalikan.
“Right now, ‘di ko iniisip ‘yon. No,” saad ni Janella at dagdag niya, mas makabubuti sa kanilang dalawa ang mabuhay nang magkahiwalay kesa magkasama.
“Okey na rin kami now…healing apart. I don’t think it was good din for mental health,” pahayag ni Janella.
Inilahad rin ng aktres na minsan ay nanunumbalik daw sa kanya paminsan-minsan ang hindi magagandang experience niya noong magkarelasyon pa sila at nanginginig daw siya noon sa takot sa tuwing umuuwing lasing si Markus.
“If it’s my partner that comes home drunk, ay, grabe ‘yong anxiety ko. Nanginginig talaga ako even when it was with Markus,” sabi ni Janella. “Nanginginig akong mag-isa ‘pag alam kong nasa labas ta’s alam kong uuwing lasing.”
Napagod din umano siya sa pagbibigay ng effort para isalba ang relasyon nila noon.
“Siguro umabot din sa point na naramdaman ko na nalosyang na ako. Kasi I was trying to save the relationship. I was trying to take care of a kid on top of all of that,” sabi ni Janella.
Ang mga pangyayaring iyon umano, na baka raw maging cycle at abusive, ang nagtulak kay Janella para tapusin na ang pagsasama nila ng aktor. Ganu’n pa man, nagpapasalamat siya dito sa pagiging mabuting ama sa anak nila.