Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang aktres na si Andrea Brillantes kaugnay sa mga alegasyon na siya umano ang dahilan ng paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Kahit ang talent manager na si Ogie Diaz ay iniisip kung bakit hindi pa rin pinagtatanggol ni Andrea ang sarili kung wala namang katotohanan ang mga kumakalat na chika.
Sa katunayan, isa ang dalaga sa naging topic nila sa isa sa kanilang episode ng “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Tita Jegs.
Napansin kasi ng mga ito na noon namang naghiwalay sila ng basketbolistang si Ricci Rivero ay nakapaglabas naman si Andrea ng pahayag ukol sa pangyayari.
Ngunit ngayon ay kahit na anong bato sa kanya ng isyu ay ponipili pa rin niya ang manahimik.
Hinuha ni Ogie, maaaring pinipigilan si Andrea ng production o ng kanyang management lalo na’t maganda ang takbo ng kanyang teleserye na “Senior High”.
“At saka siguro, hindi na rin siya pinagsasalita ng taga-production, Ng mga may kinalaman sa kanyang career. Kasi nga whatever she says, ganun pa din. Makakakita’t makakakita pa rin ng mali ‘yung mga tao,” sabi ni Ogie Diaz.