Nakakapagtaka at tunay na may hibang factor ang isang text message na hindi pwedeng itatwang demolition job para kay Piolo Pascual at sa pelikulang pinagbibidahan nito, ang “Mallari”.
Ang text message, gamit na gamit si direk Chito Rono dahil nga pangit na pangit daw ito sa horror-historical pelikula ni Papa P, na idinirehe ni direk Derick Cabrido.
Wala namang naninwala sa nagpakalat ng text mensahe. May nagtanong pa kay award-winning direktor Rono tungkol rito at mariin ang pagtanggi nito.
Vindicated na vindicated ang nag-iisang Papa P dahil nga wala naman palang lakas at pwersa ang mapanirang text mensahe dahil nga sa world premiere ng “Mallari” binigyan ng standing ovation ang pelikula, maigting ang palakpakan, at lahat ay ng mga naunang nakapanood, sinasabing lalaban ito sa kategaryong pinaka-mahusay na pelikula at tinitiyak na sa nag-iisang Papa P igagawad ang parangal na pinaka-mahusay na aktor.
Kung si Pascual ang hihiranging best actor, ito ang kanyang unang panalo sa Metro Manila Film Festival at tiyak ang mga makakatabi nito ay ang Entertainer of the Year at Best Actor in a Musical tropeo niya mula sa ALIW Awards.
Ang mapangahas na nagpakalat ng text, tila nakalimutan yata na may SIM Registration batas na at ang numerong lumabas sa mag pinadalhan niya nito, maaring i-trace at matukoy kung kanino. Kaya pasenya ka na lang, kung sino ka man dahil kung hindi sa kankungan, eh baka sa kulungan ang iyong kababagsakan.
Ngayon pa lang, congratulations kay Piolo Pascual dahil nga tunay na natatangi ang pelikula mong “Mallari”. Mabuhay ka! Mahusay ka!
Sampal Princess ang tawag ngayon sa mahusay na si Xyriel Manabat kasi nga pangmalakasan talaga siyang sumampal at ang tumanggap nito, si Zaijan Jaranilla.
Sa pinakakatutukang “Senior High” nangyari ang pagsampal ni Manabat kay Jaranilla. Inamin na kasi ni Tim, ang katauhan ni Zaijan kay Roxy, ang ginagampanan ni Manabat, ang katotohanan tungkol sa special kiss na siyang dahilan kaya nawasak ang kanilang pagiging teen bf-gf na relasyon.
Grabehan ang facial expression ni Manabat nung malaman niyang si Poch, ang katauhan ni Miggy Jimenez pala, ang tunay na nagpapatibok sa puso ni Tim kaya wala itong magawa kungdi sundin ito.
Kaya ayun na nga, nakakatigalgal na sampal ang tinanggap ni Jaranilla dahil sobrang sakit para kay Manabat, bilang Roxy, ang kasinungalingan at pagtataksil, lalo na nga’t bago sila maging teen sweethearts ay magkakababata sila at best friends pa.
Yung pagwawala ni Roxy at pagsabi niya sa ate niya kungbakit siya nagkaka-ganun, damang-dama mo talaga ang sakit niyang nararamdaman. Perfection si Xyriel bilang babaing pinagpalit at iniwan.
Grabe rin ang emotional commitment at katotohanang ibinibigay ni Jaranilla sa kanyang Tim. Alam mong ayaw niyang makasakit, lalo na para kay Roxy, pero hindi na niya talaga kayang ilihim o itanggi ang pagtangi niya kay Poch. At yung pag-aalala niya sa kung ano ang maaring mangyari sa kanyang tinantangi, iba rin ang feels.
Ano ba itong mga dating child star na ito, mas lalong humusay ngayong mga ganap na dalaga at binata na!
Naku, naku, naku, mas lalo tuloy nagiging kaabang-abang ang susunod na mga kabanata sa “Senior High”, hindi ba naman?