Matapos ang 19 taong pagtatago, natimbog ng mga otoridad ng Quezon CIty nitong Huwebes ang isang lalaking wanted sa Naga, Camarines Sur sa kasong panghahalay.
Nahuli ang 37-anyos na suspek sa Barangay Bahay Toro kung saan siya nagtatrabaho bilang tindero ng prutas.
Ayon sa ulat, nabuntis ng suspek ang biktima niya at hindi ito pinanagutan.
“Yung kaso po ay nangyari noong 2004 sa Camarines Sur, at itong suspek nga ay nasampahan ng kaso ng biktima dahil nabuntis niya po ito at hindi pinanagutan,” ayon kay Project 6 Police Station chief Police Lt. Col. Richard Mapania.
Ani Mapania, taong 2009 pa lumabas ang arrest warant laban sa suspek. Giit naman ng naaresto, hindi niya alam na may arrest warrant laban sa kanya.
“Nabigla ako na ganito ang nangyari. Ako po naghahanapbuhay lang para sa anak ko,” wika ng suspek.
Itinanggi rin niya ang akusasyong nanggahasa umano siya.