Tila narindi na ang aktres at beauty queen na si Herlene Budol, o mas kilala bilang si Hipon Girl, sa mga isyung laging ibinabato sa kanya tungkol sa umano’y pagbubuntis niya.
Sa isa niyang post sa X (dating Twitter), sinabi niya na laging ginawan ng isyu ang mga taong dedikado sa mga trabaho nila sa showbiz.
“Showbiz nga talaga! Pag dedicated ka sa trabaho, gagawan ka ng issue!” saad ng dalaga.
Dagdag niya, hindi na raw tumigil ang tsimis na buntis siya simula nang pasukin niya ang showbiz industry.
“Dati asa #Wowowin, gumawa ng issue na buntis daw ako. Ngayon naman sa #MagandangDilag may issue uli na buntis ako uli? Ano susunod? Sa #BlackRider, mabubuntis ako uli?” saad niya sa X nitong Miyerkules.
Bago nito, una rin siyang nag-post ng, “Bakit ako nakaladkad?”
Kaugnay ito matapos na magkalat ang umano’y mga screenshot ng pribadong pag-uusap nila ni Kapuso actor Rob Gomez.
“Gutom na akooo. Kain kita hahaha,” ayon sa mensahe umano ni Budol na sinagot naman ng aktor ng “Kain ko ikawww.”
“Ako lang kakain mas gutom ako eh,” tugon umano ng aktres.
Makikita rin sa burado nang mga screenshot na nagkaroon daw ng pregnancy scare si Budol kay Gomez.
Inaakusahan na ang nagkalat ng mga screenshot ng mensahe ay ang dating live in partner at ina ng anak ni Rob na si Shaila Rebortera.
Kasama ring nakaladkad sa isyu si Bianca Manalo na nobya ni Senator Sherwin Gatchalian.
Makikita na nag-iwan ng mensahe si Manalo sa aktor.
“Kaya mo pumunta that early? 7 am? Brought my dogs here sa Makati. Let me know para I can go back to BGC early to see you before I leave at 10 am. He’s not here. He’s in Valenzuela,” chat umano ng beauty queen kay Rob sa Telegram.
“You didn’t reply on Telegram. Meron ka na naman na pick-up na ibang girl noh,” chat umano uli ni Manalo sa Instagram account ng aktor.