Ilang mga nagtitinda sa Mutya ng Pasig Mega Market nitong Huwebes ng umaga ang umaaray na dahil hindi umano nola ramdam ang Kapaskuhan dahil mahina ang bentahan nila apat na araw bago ang Pasko.
Ayon sa isang tindera ng frozen products, sobrang tumal ang bumibili kahit hindi sila nagtaas ng presyo. Sa katunayan, bumaba pa ang presyo ng kanilang produkto.
“Wala masyado ‘yung wholesale namin,” saad nito. “Mababa lang talaga ang benta namin ngayon.”
“‘Yung dating bumibili ng mga pang-catering, kakaunti na lang hindi katulad ng mga nakaraang taon – madami sila. Ngayon kasi uso na ang food pack,” dagdag pa niya.