Isang lalaki ang nahaharap ngayon sa kasong arson at physical injury matapos niyang sunugin ang kanilang bahay nang hindi siya masarapan umano sa kanilang ulam sa Balamban, Cebu.
Ayon sa mga ulat, hindi umano nagustuhan ng lalaki ang ulam nilang nilagang baboy at pumasok ang suspek sa kaniyang kuwarto matapos kumain at doon niya sinindihan ng lighter ang kaniyang kama.
Nadamay sa sunog ang mga magulang ng suspek.
Isinugod sa ospital ang kaniyang ina na napaso sa paa.