Isang maagang pamasko ang natanggap ni Kapuso actress si Faith Da Silva at kanyang kapatid. Makikita kasi sa isang Instgaram post ng aktres nitong Miyerkules ang reunion nila ng ama na si Dennis Da Silva na kasalukuyang nakakulong. Kasama din sa pagtatagpo ang kapatid na lalaki ng aktres na si Silas.
“Thank you God for this heart warming gift this Christmas,” caption ni Faith sa naturang post kung saan makikita ang dating aktor na ama na may suot na kahel na t-shirt at may nakalagay na person deprived of liberty.
Pinasalamatan din niya si caption si Kim Atienza at Police General Gregorio Catapang na siya aniyang dahilan kung bakit nangyari ang pagtatagpo ng kanilang pamilya.
“Hugs. God is good,” komento ni Atienza sa post.
Sa hiwalay naman na post ng Sparkle GMA Artist Center, sinabi nila ang pagtatagpo ng aktres at kanyang ama ay isang magandang paalala ng kapangyarihan ng pamilya. Ito rin daw ang unang beses na magyakap ang mag-ama.
“Faith Da Silva and her dad, former actor Dennis Da Silva’s reunion, is a beautiful reminder of the power of family. After years of being apart, Faith Da Silva and her dad, Dennis Da Silva, were finally able to embrace each other for the first time when Faith visited him at the Muntinlupa City Jail,” caption nila sa kanilang post.
Taong 2021 nang ibahagi ni Faith sa isang video ng My Tatay, My Hero ng GMA na wala silang naging koneksyon ng kanyang ama habang lumalaki siya, ngunit noong 2020 ay nagkaroon daw sila ng pagkakataon na makapag-usap.
“Ang natutunan ko sa kanya is yung pag-forgive. Ang tagal na panahon na iniisip ko palagi na bakit ganito, bakit ganyan, but then when I had the chance to talk to him, dun ko talaga na-realize yung mga sama ng loob, yung mga hinanakit, wala kang patutunguhan, kasi by the end of the day sa kanya ako nanggaling…he’s my father,” sabi ni Faith.
Noong 2020 nang mahatulang gulity si Dennis sa 15 counts ng panggagahasa at nasintensyahan ng habambuhay na pagkakakulong. Nahatulan din siya ng four counts ng child abuse.
Taong 2002 nang arestuhin si Dennis matapos umano niyang halayin ang 14 anyos na anak ng dati niyang kinakasama.