Nabatikos nang husto si Daniel Padilla matapos lumabas ang isang throwback photo kung saan ipinost ang regalong cellphone ng aktor kay Andrea Brillantes noong 12 years old pa lang ito.
Ang tingin ng ilan, isa itong “grooming” act ng binata. Ibig sabihin, dalagita pa lang si Andrea ay may gusto na siya rito kaya inaalagaan niya ito.
Nang lumabas ang photo sa isang popular website, marami ang nag-react, mostly ay dumedepensa kay Daniel. Ang feeling nila, generous lang si Daniel kay Andrea dahil nakasama niya ito sa isang teleserye.
“people should stop with this narrative because andrea will be on the losing end again. imbis magalit ke dj, celebs will feel bad for him im pretty sure, because he’s known for being generous. a lot if his celeb friends will attest to that, so magagalit sila ke andrea for this story coming out. cheater oo, pero he’s generous with everyone e. how else can they prove yhat he groomed her? may iba p ba like texts when she was a minor, if so, that’s the one they should leak? kasi kung gifts lng , andrea will lose again on this. mag isip isip kyo. if you think you are helping andrea eith this narrative, think again.”
“Mga panahong laging magkapatid role nila malamang naging close, and known as very generous naman si dj. Grabe naman to.”
“baket? pinormahan b ni daniel c andrea when she was a minor? niligawan b?”
“Kasalanan na naman ni Andrea na binigyan siya ng iphone ni Daniel??? Jeez, people, be reasonable. Nag hahanap lang kayo ng masisisi.”
“So what kung binigyan ng iPhone?! Grooming agad yun?! I don’t like Daniel but the insinuation that he was grooming Blythe is a reach.”
May isa namang fan ang tila naiirita dahil parang deadma lang si Daniel sa issue na ito sa kanya.
“Bakit kce hindi magsalita si Daniel? Lalaking tao walang boses sa issue pero kung maka yabang sa iba akala mo kung sino duwag naman pala,” say ng fan.
Marami ang naloka sa kakaibang Christmas tree na ginawa ng It’s Showtime host na si Kim Chiu. Kasi naman, baligtad ito, kumbaga kaya talagang pumukaw ito ng pansin.
Sa kanyang Youtube video,ipinaliwanag ni Kim kung paano siya nagkaroon ng idea na magkaron ng balgtad na Christmas tree.
“It’s the time of the year! Panahon na naman para sa pagdedecorate ng Christmas Tree. Yes! Ito na nga ang pinakahihintay ninyo!”
“Naisip ko talagang gawing iba yung Christmas tree concept ko this year. Di ko alam kung bakit gusto ko ng inverted, color white, candy. Sobrang kakaiba sa lahat ng Christmas tree na ginawa ko.”
“Ang sarap lang talagang makakita ng Christmas tree dahil sa kabila ng paghihirap ko sa buhay, mga pinagdadaanan natin, ‘yung Christmas tree talaga sa bahay reminds us to be happy.”
Yan ang paliwanag ni Kim.
Ang daming nag-react sa post na yun ni Kim. Mayroon ding nagpayo na magpatatag siya dahil alam nila na may pinagdadaanang matindi ang dalaga dahil kahihiwalay lang nito kay Xian Lim
“It’s beautiful!! I love changing my Christmas trees theme too every year para hindi nakakasawa.”
“Napaka buti ng puso mo Kim.. mabait ka, sweet girl.. magaan ka kasama.. Gaya ng xmass tree mo parang ikw din parang sa personality mo.. parang ikw ang xmass tree ng buhay nila Ate lakam mo.. kumikutikutitap.”
“Super Ganda. Pure white kasing pure Ng iyong puso mo Kimmy… Gaano mo man kahirap ang pinagdadaanan mo Ngayon Kim but we all know na kayang kaya mo iyan lampasan lahat. we are so proud of you kimmy.”
“Im so happy that despite what you are going through, you still found the time to make your Christmas tradition of putting up your tree. Merry Christmas, Kim and God bless you always.”
Todo ang pasasalamat nina Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez, o mas kilala sa love team nilang ‘TimPoch,’ sa mainit na pagtanggap ng viewers sa kanilang tambalan sa Kapamilya teleseryeng “Senior High” na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes.
Inamin ng dalawang aktor na hindi nila inaasahan ang mga positibong komento ng mga manonood para sa kanilang BL love team, lalo na para sa kissing scene ng kanilang mga karakter na sina Tim (Zaijian) at Poch (Miggy).
“Sobrang nakakataba ng puso dahil nagustuhan at minahal siya ng mga tao. Pag magkaka-eksena kami, nagtatanungan kami kung hanggang saan lang ba pwede. Importante ‘yung communication namin dahil hindi basta-basta ‘yung scenes na ginagawa namin,” sabi ni Zaijian sa isang interview noong “Forever Grateful: ABS-CBN Christmas Special 2023.”
Ikinuwento naman ni Miggy na patuloy nilang papakiligin at magbabahagi ng mahahalagang aral sa mga manonood.
“Sobrang overwhelming but at the same time ayokong ipasok sa head ko. Ayokong sirain ‘yung chemistry na meron kami. We didn’t even plan it at all kaya gusto ko siyang i-treasure. I have to be grateful,” sabi niya.