Inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office na maglulunsad sila sa susunod na taon ng bagong laro sa lotto kung saan ang premyo ay magsisimula sa P1 bilyon.
“We will pattern it after the Powerball sa US. This is a different jackpot game,” ayon kay PCSO general manager Mel Robles nitong Miyerkules.
Una nang itinaas ng naturang korporasyon ang minimum jackpot prize para sa mga laro sa Grand Lotto 6/55 at Ultra Lotto 5/58 sa P500 milyon bilang bahagi ng kanilang ‘Handog Pakabog’ Christmas program.
Samantala, nito lamang Martes ng gabi nang may maswerteng nagwagi sa 6/49 Super Lotto kung saaan ang jackpot price ay tumataginting na P310,696,634.40.
Ayon sa ulat, nahulaan ng solo bettor ang winning digit combination na 30-16-33-12-29-25
“Kagabi lang tumama. The ticket was bought somewhere in Quezon City,” ayon kay Robles.