Para sa kanyang fandoms, si Ken Suson ang pambansang guapo ng Pilipinas. Opo, ang Mahalima, kung saan kasama niya sina John Pablo Nase, Josh Cullen Santos, Justin de Dios at Stell Ajero, may amicable settlement na sa kanilang dating pamunuan kaya nga ang pangalan at brand nilang SB19, opisyal at pangmalakasan na nilang magagamit.
Ang nasabing tawag kay Felip Jhon ay nagsimula sa Ekis, kung saan dokumentado ang pagrampa at performance nila sa Asian Artist Awards na kamakailan ay ginanap sa Philippine Arena.
Sa pagrampa ni Suson sa red carpet kasama ang buong pwersa ng Southeast Asia’s Superstar Pop Group, tapos na ang blonde era hair nito, balik na sa natural na itim nitong kulay. Lalong nagmura ang X factor at super model vibe ni Ken habang suot ang modern Filipiniana outfit na gawa ni Francis Libiran.
Ang buong SB19, walastik at pantastik ang pitong minutong performance kung saan kinanta at sinayaw nila ang Gento, Mana, Bazinga at Crimzone. May Gento dance collaboration pa silang kasama ang isang tanyag na South Korean boy band.
Sa mga bidyo, maririnig ang pagdagundong sa awards night venue habang ginagawa ng PPop Kings ang kanilang performance routine. Mapapanood rin ang mga video clip kung saan makikita na ang mga SoKor artist na nasa awards show eh talagang hyped na hyped at hangang-hanga sa Mahalima ng Pilipinas,
Ang kagandahang lalaki ni Suson, ilang ulit babad na babd sa TV broadcast lalo na nung tumanggap ang SB19 ng dalawang parangal na mula sa AAA. Dahil nga sa kaganapang ito, hindi lang sa Pilipinas, trending topic ang pangalan ni Ken sa South Korea at Thailand, habang nangyayari at ilang araw pa matapos ang awards show.
Bago mag-Pasko ay may solo performance si Felip Jhon sa ibang bansa.
Ang question of national importance ngayon, sumunod kaya si Ken Suson kay Stell Ajero sa bakasyon nito sa Japan pagkatapos ng Dubai concert nito?
Lumipad na si Stell kasama ang kanyang pamilya sa Land of the Rising Sun para magbakasyon. Tiyak na maglulundag sa tuwa at maiiyak sa kaligayahan ang KenTell shippers kung mapapagawi nga si Suson sa Japan at samahan ang Ajero family sa kanilang bakasyon.
Ang isa pang inaabangan ng KenTel shippers, ang best friend song at artistic collaboration nina Felip Jhon at Stellvester na mismong ang OPM icon, singer at songwriter Ogie Alcasid ay game na gawin. Umaasa ang lahat na ang KenTell song ay maririnig na sa merkado ngayong pagpasok ng bagong taon.
Super deserving naman si Ken Suson sa turing niyang pambansang guapo ng Pilipinas. Sangrekwa ang mga larawan at video na patotoo na siya talaga ay magandang lalaking Pilipino.
***
Grabehan at patuloy ang pangwawasak sa pagkatao at pagkababae nina Sarah Lahbati at Andrea Brillantes.
Si Lahbati na pinamumukhaang bilmoko girl at waldas, ang dagdag na chika, diumano ito ang may third party at babae ang kasangkot.
Si Brillantes naman, may diumanong apat na sources ang isang entertainment portal na nagpapatotoo sa “pag-amin” nito kay Kathryn Bernardo tungkol sa mga naganap sa kanila ni Daniel Padilla, na dalawang taong nakaraan nung nangyari.
Ang pagkondena kina Sarah at Andrea ay pangmalakasan. Gigil na gigil at suklam na suklam sa kanila ang mga kumbinsido sa kanilang mga “kasalanan”at para sa mob na ito, the truth and nothing but the truth ang mga naglilipanang mga balita.
Bukas ang aming pitak para sa bersyon ng katotohanan nina Sarah Lahbati at Andrea Brillantes. Hindi namin agarang paniniwalaan ang mga tsismis na ipinupukol sa dalawang kababaihan.