Idagdag ang Bicol sa mga dumaraming biktima ng San Juan.
Dinomina ng Kings kamakailan lamang ang Spicy Oragons, 92-75, at manatiling walang bahind sa PSL President’s Cup sa Filol-EcoOil Centre.
Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng San Juan sa singdaming laro.
Nagpakitang gilas si dating NLEX guard AC Soberano na pinangunahan ang pensiba ng San Juan sa pamamagitan ng kanyang mainit na shooting sa three-point region. Tumikada siya ng limang tripes at tumapos ng may 20 puntos.
Tatlong players pa sa San Juan ang nagtala ng double figures at ito ay sina Joseph Ubalde (12), Pao Javillonar 11) at John Galinato (10).
Kontrolado ng Kings ang shaded area kung saan nakapagtala sila ng 46 puntos kumpara sa 22 ng kalaban habang mas marami ring binunot na rebounds ang San Juan, 54-40.
Nanalo rin ang Davao Occidental at 1Munti sa dalawang kapana-panabik na engkwentro.
Sumandal ang Davao Occidental kay Justine Sanchez, na ginayahan ang Tigers sa 79-72 panalo kontra RCP Shawarma Shack, 79-72, habang dinaig ng 1Munti ang Novaliches, 79-73.
May 14 puntos na naiambag si Sanchez, kabilang rito ang crucial three-point shot sa 4:37 mark ng huling quatrter, para pigilan ang rally ng RCP Shawarma.
Pinamunuan naman ni John Catimbuhan, na kumana ng 25 punto at limang assists ang 1Munti na ipinoste ang kanilang ika–apat na panalo sa pitong laro.