Naghuhukay kahapon ang mga tagasaklolo sa mga liblib na nayon ng hilagang-kanlurang Tsina na sinalanta ng lindol.
May 126 buhay na ang naitalang nasawi at daan-daan ang nasaktan at nasugatan sa lindol na tumama ng hatinggabi sa mga probinsya ng Gansu at Qinghai, ayon sa CCTV.
Naghahanap ng survivor ang mga tagasaklolo sa mga gumuhong bahay, gusali at moske.
Maraming ambulansya at trak ng militar na may kargang relief supply ang nakaparada sa daan.
Ayon sa United States Geological Survey, magnitude 5.9 ang lakas ng lindol na tumama alas 11:59 ng gabi at ang episentro nito ay 100 kilometro mula sa kabisera ng Gansu, ang Lanzhou.
Umabot ang pag-uga sa
Inulat naman ng Xinhua na magnityde 6.2 ang lindol at naramdaman ang pag-usa sa siyudad ng Xi’an.
Kalaban ng mga sumasaklolo at mga nawalan ng bahay ay malamig o nagyeyelong temperatura sa mataas na lupa.
Naputulan ng kuryente at tubig ang mga tagaroon sa paligid ng episentro.
Samantala, daan-daang tao ang inilikas sa Gansu, ayon sa Agence France-Presse.