Hindi katanggap-tanggap ang reason ni Karylle kung bakit absent siya sa It’s Showtime nang mag-guest sina Marian Rivera at Dingdong Dantes para mag-promote ng entry nila sa Metro Manila Film Festival na Rewind.
“Woke up sick so I’ll be missing work for a couple of days! Stay healthy everyone.”
‘Yan ang tweet ni Karylle bago pa man mag-guest sa noontime show ang mag-asawa na umapir sa It’s Showtime last Saturday.
Para sa bashers ni Karylle, hindi ito kapani-paniwala.
“Excuses excuses excuses we know its awkward but just tell the truth.”
“Hindi… inunahan mo na talaga kasi may plano kang mag absent sa show sa araw na guest si marian at dingdong. Move on karylle. Move on!”
“NOPE TEH BITTER KA, ALAM MONG PUPUNTA DONGYAN JUSKO MAY ASAWA NA’T LAHAT DI KA PA RIN MAKA MOVE ON.”
“asus asus K, andun lang ang DongYan ehhh haha.”
“Galing ng timing..few days before iaanounce and mag guguest sila dingdong and Marian..hahahha galing magplano.”
Mayroon namang nagpakita ng concern kay Karylle at nagbigay pa ng health tips.
“Hindi ka Kasi nagpapahinga Ayan nagkasakit ka baka mamaya Yaya mo pa Ang nag aalaga sayo at least si daddy Yael Ang mag alaga sayo baka trabaho pa Rin Ang uunahin nya ha .wag Kang papayag na mga Yaya mo Ang mag alaga sayo kapag may sakit ka sabihin mo Kay daddy Yael panindihan ka.”
“Get well soon, K! Maggpahinga at magpalakas ka. Eat and drink plenty of foods, vegetables and healthy drinks. Para agad ka gumaling.”
“rest very well ate k… we are always here for yaaaahhh.”
“Get well soon, K! Maggpahinga at magpalakas ka. Eat and drink plenty of foods, vegetables and healthy drinks. Para agad ka gumaling.”
***
Inamin ni Alex Gonzaga na nagparetoke siya ng kanyang ilong.
Hindi naman niya kasi maikakaila na nagparetoke siya dahil ibang-ibang ang hitsura niya ngayon kaya naman malalait siya kapag nag-deny pa siya.
Nangayari ang pag-amin ni Alex sa kanyang Instagram account kung saan tatlong photos ng kanyang new look ang kanyang ipinost.
“I say do what makes you happy! After so many years of contemplating, last month I finally decided to do it. Wala ng nakapigil. Now you nose! #filternomore.
“Magpaganda ka habang wala sa bahay asawa mo.. pagbalik nya tapos nagtaka sya saka mo sabihin “ako lang to” #NowYouNose.”
‘Yang ang magkahiwalay niyang caption sa kanyang post.
Sari-sari ang reaction sa kanyang post na iyon. May natuwa sa kanyang hitsura. May pumuri sa kanyang katapangan na aminin na nagparetoke siya. Pero meron ding hindi nagandahan sa kanyang new look.
“Ang ganda ..gawang doc nato ba yan?”
“maganda na nose nia dati kung saan ka happy go go go.”
“Please do a YouTube video during your healing journey. I want to get this done too.”
“Sorry but I like your before nose waaaayyy betterrr. okay na ất maganda kana sa nose mo dati.”
“Buti pa si Alex yung iba deny ng deny na hindi nag pa nose job tapos pag nanganak na, ayun pango si baby.”
“Maganda ka na nga Lalo pa gumanda. Ano na lang papel naming mga di kagandahan? Mananakot na lang kami?”
Finish na. pati magaganda nagpapailong na din. pano naman kaming mga panget.
“Your previous nose was good anyway! However, what makes us happy is what’s important.”
“Siya yung artista na hindi niya ikakahiya na may pina enhance siya , normal nalang din naman sa society natin pero iba yung lakas ng loob niya kaya favorite influencer ko to , love you alex.”
***
Isa ang actor na si Andrew Gan Calupitan na sobrang nalungkot sa pagpanaw ng veteran actor na si Ronaldo Valdez.
Nakasama kasi niya si tito Ron sa 2 Good 2 Be True at nagging magbarkada sila.
Sa kanyang Facebook account, ramdam mo ang lungkot sa kanyang post.
“Tito Ron ang daya mo naman! Sana pala nasamahan kita. Gigimik pa tayo db? Mag ba Baguio pa tayo ulit db?
“Mamimiss ko un tatawag ka sakin ng biglaan para mag aya uminom ng 6pm ng hapon. Mamimiss ko un mga jokes and halakhak mo…. You’re the lolo I never had. Salamat sa lahat tito. Salamat sa friendship and sa pagiging lolo mo sakin dito sa industry.Mahal kita and I will miss you.Gabayan mo kami palagi dito ha.Hangang sa muli tito Ron…
Miss na kita. SOBRA.”
‘Yan ang caption ni Andrew sa kanyang post ng photos at convo nila ni tito Ron sa Facebook.