Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes na walang rason upang pagbigyan niya ang mga nananawagan na pauwiin na si Chinese Ambassador Huang Xilian kaugnay sa mga naging pahayag nito sa isyu sa West Philippine Sea.
“Kung siguro ako personally ang pinag-uusapan, maybe I’ll be upset but you are not talking about me; you are talking about the Philippines. It does not serve any purpose for us to lose our temper or overreact,” saad ni Marcos na nasa Japan ngayon para dumalo sa isang summit.
“I wish we could talk about it over the table as opposed to colliding with each other’s ship in the open sea. Of course, I will prefer the less confrontational method of trying to decide these things, but it is what it is,” dagdag niya.
Ayon pa sa Pangulo, naiintindihan niyang ginagawa lamang ng Chinese envoy ang kanyang trabaho na sabihin ang mga pahayag ng Beijing kaugnay sa mga nangyaring pagpapaalis sa mga barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply missions.
“He is continuing to state the Chinese narrative. Of course, we won’t agree with that narrative but I cannot see him doing anything else, so we just keep trying,” sabi ng Pangulo.
“Because the truth of the matter is, kahit mapalitan na si Ambassador Huang pareho pa rin ang sasabihin ng susunod na ambassador, dahil iyon ang linya ng China. So hindi nila ititigil iyan. That is why we have to work around it,” dagdag niya.
Kung matatandaan, ilang mga mambabatas ang nagpahayag na dapat ideklarang “persona non grata” ang Chinese envoy na hindi naman sinang-ayunan ng Pangulo.
“Iyong iba nga napipikon, hindi naman tungkol sa atin ito. Tungkol sa Pilipinas ito. Kung magkamali tayo eh di malaking gulo. We don’t want to go anywhere near that situation,” sabi ni Marcos.