Pagod at ngalay ang naranasan ni Annabelle Rama nang subukan niyang libutin ang mansyon ni Manny Pacquiao sa General Santos City na may laki lang naman na 20 square meters.
Ito ay matapos niyang dumalo, kasama ang asawang si Eddie Gutierrez, sa kaarawan ng Pambansang Kamao sa naturang probinsya.
Ayon sa 71-anyos na talent manager, mabuti na lamang at may tsinelas para sa mga panauhin sa bahay ng atleta dahil hiningal daw siya sa paglibot doon.
“Here in GenSan for Senator Manny Pacquiao’s Birthday. Jinkee Pacquiao invited us for dinner on her 3rd mansion,” panimulang caption niya sa kanyang Instagram post nitong Linggo kung saan makikita ang litrato niya kasama si Jingkee at ilang pasilip sa bahay at mga handang pagkain dito.
”OMG mabuti nalang meron silang service slippers para sa guest kasi sumakit ang paa ko sa kakaikot sa mansion nila. Hindi ko pa natapos pinagpawisan ako at hiningal sa sobrang laki. 20,000sqm ba naman ang buong area ng mansion nila kasama pati garden at bulwagan,” pagpapatuloy niya.
Sabi pa ng talent manager, ang mansyon nila Pacquiao ang nakita niyang “best house” na siyang yari sa mga ‘bongga’ at mamahaling mga materyales.
Bukod sa malaking garden at bulwagan, mayroon din aniyang malaking firing range ang mansyon, at dalawang swimming pool dahilan para magmistula siyang nasa Bali, Indonesia. Sambit niya, tatapusin niya na lang ang paglibot sa mansyon pagbalik niya rito.
“Maganda ang ideas ni manny at jinkee para sa dream house nila talagang world class. May firing range pa sa basement na sobrang laki parang gusto ko ng matutu gumamit ng baril. Sharpshooter cguro ako. Jinkee at Manny Tatapusin ko nalang ang pag ikot sa mansion mo pag balik ko ulit.”
“Sa sobrang relax ko sa bahay nila kagabi nd ko napansin ang oras. sumama kami ni eddie sa salubong ng birthday ni Manny sa bulwagan ng 2nd mansion nila. Grabe ang mga taong nag mamahal kay Manny at sa pamilya nya ramdam na ramdam mo sa ngiti at saya nila kagabi habang kinakamtahan si manny,” sey niya.
Kwento pa ni Annabelle, masaya siyang sinalubong sa GenSan at marami aniyang mga magagandang mensahe para sa kanya.
“Maraming mga good messages at greetings na sinabi sa akin ramdam ko ang pagmamahal ng tao kaya salamat sa inyung lahat. Huwag ko na raw pansinin ang mga fake news dahil hindi sila naniniwala especially sa idol nilang si Richard, alam nyu na kung saan galing ang mga fake news,” saad niya.
Dinugtungan naman niya ito ng patutsada: “Hindi ko na babanggitin ang inggetera, mamatay ka sa inggit dahil alam ng tao kung anu ang totoo, matatalino ang taong bayan.”