Aminado ang aktres na si Andrea Brillantes na kung may nais man siyang makuha sa susunod na taon, ito ay ang “growth” at “healing” for herself.
Ayon sa aktres, magandang opportunity umano ang Bagong Taon para makapagsimula siyang muli.
“Bubuksan ko ang 2024 na fresh, bago,” pahayag ni Blythe, nickname ni Andrea.
Hindi na rin daw siya umaasa sa kung ano pa man kundi ang mas magiging maayos lang ang lahat para sa kanya bilang indibidwal.
“Hindi na kasi ako masyadong nag-e-expect. Basta growth lang, healing, and… ’Yon, mas maging maayos lang,” sabi ni Andrea.
Kung iisipin kasi, kabilang ang pangalan niya sa mga naglalakihang kontrobersya sa showbiz ngayong taon.
Kabilang na riyan ang maingay na hiwalayan nila ng basketball player and actor na si Ricci Rivero, at ang pagdawit sa kanya sa breakup naman nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Samantala, wala na raw mahihiling pa ngayong Pasko ang Senior High lead actress dahil nasa maayos naman umano siya at ang kanyang pamilya.
“Masaya naman na po kasi ako, pati ’yong family ko and maayos naman kami,” saad ni Andrea.