Aminado ang aktres na si Sanya Lopez na may mga hinahanap siyang mga katangian para sa kanyang ideal man ngayong marami pa rin ang nagtatanong kaugnay sa kanyang lovelife.
“May mga guys naman na lumalapit sa atin, ‘no? Pero ready ba kayo pag nagkaroon nga ako?” saad ni Sanya sa kanyang mga fans. “’Di ko kasi alam kung nanliligaw talaga ba.”
Hindi man binanggit ni Sanya kung sino ang nanliligaw sa kanya, nag-share na lang siya kung ano ang ideal man para sa kanya at ayon sa dalaga, gusto niya ay ‘yung “faithful at totoo ang pagmamahal” na ibibigay sa kanya.
Mahalaga rin daw na irerespeto siya lalong-lalo na ang kanyang pamilya at mga taong nagmamahal sa kanya.
Gusto rin ni Sanya na maunawain ang kanyang future partner tungkol sa trabaho niya bilang aktres, lalo’t sa pagpasok ng 2024 ay dalawang malalaking projects ang gagawin niya para sa GMA.
Kabilang si Sanya sa GMA historical-action drama na Pulang Araw, kasama sila Alden Richards, David Licauco, at Barbie Forteza.
In fact, kelan lang ay pinost ni Sanya via Instagram ang bonding nila ni Barbie habang nag-aaral sila ng tap dancing at ang special shoes na gamit nila na may pangalan nila ni Barbie.